( ANG HULING MASSGE NI PROPETA MOHAMAD SAW) SA KNIYANG MGA UMAT. SUBRA KC TAYO MINAHAL NG RASULLALLAH..
👉 KAHIT KAILAN HINDI AKO MAG SASAWANG PAKINGGAN AT BASAHIN ANG HULING MENSAHE NG NABI S.A.W
NakakaiYak😢
May isang taong nagsalam. at nagtanong kay Fatima R.A. "PWEDE BA AKONG PUMASOK?" pero hindi sya pinapasok ng Fatima R.A. at sinabi "PATAWAD SUBALIT ANG AKING AMA AY MAY SAKIT" kaya sya ay tumalikod at isinara ang pinto. Bumalik sya sa Nabi Mohammas S.A.W. idinilat ng Nabi Mohammad S.A.W. ang kanyang mga mata at nagtanong sa kanyang anak. "SINO ANG TAONG IYON, ANAK KO?" at sinabi ng Fatima R.A. "HINDI KO PO KILALA AKING AMA, NGAYON KO LANG PO NAKITA ANG LALAKING IYON" at tinignan nya ang kanyang anak na may halong panginginig na para bang inaalam nya ang bawat galaw ng anak nya. at sinabi ng Nabi Mohammad S.A.W. "ISANG BAGAY NA DAPAT MONG MALAMAN, SYA ANG BUBURA NG PANSAMANTALANG KALIGAYAHAN, SYA ANG MAGHIHIWALAY NG PAGSASAMA NG BAWAT ISA DITO SA MUNDO, SYA ANG KAMATAYAN" at ang Fatima R.A. ay humagolgol ng iyak.
Lumpit ang Malakal maut sa Rasulullah S.A.W., at tinanong sya ng Rasulullah S.A.W. kung bakit hindi nya kasama ang Malaikah Jibril A.S. at pinatawag ang Jibril A.S. na handang handa ng salubungin ang niyawa ng Habibullah at nag iisang ameer sa buong mundo. At ang rasulullah S.A.W. ay nagsabi ng may mahinang boses "O JIBRIL, IPALIWANAG MO ANG MGA KARAPATAN KO SA HARAP NG ALLAH" at sinabi ng Jibril A.S. "ANG PINTUAN NG KALANGITAN AY NAGBUKAS NA, AT ANG LAHAT NG MGA MALAIKAH AY NAGHIHINTAY SAYO, AT ANG LAHAT NG PINTUAN NG SURGA AY NAGHIHINTAY NA DIN SAYO YA RASULULLAH" subalit sa kabila ng lahat ng nalaman ng Rasulullah S.A.W. hindi padin sya napanatag, ang mga mata nya ay punong puno ng pangangamba. kaya tinanong sya ng Jibril A.S. "YA RASULULLAH, HINDI KA BA NATUWA SA IYONG NARINIG" at sinabi ng Rasulullah S.A.W. "YA JIBRIL, SABIHIN MO SAAKIN ANG MAGIGING KAPALARAN NG MGA UMMAT KO" at sinabi ng Jibril A.S. "WAG NA KAYONG MANGAMBA YA RASULULLAH S.A.W., SINABI SAAKIN NG ALLAH S.W.T. "GAGAWIN KONG HARAM ANG SURGA PARA SA LAHAT, MALIBAN NA LAMANG SA MGA UMMAT NG MOHAMMAD NA TOTOONG NANAMPALATAYA"
Unti unti na ngang nauubos ang oras ng Malaikah Izrail A.S. para gawin nya ang trabaho nya. Dahan dahang kinukuha na ang kaluluwa ng Rasulullah (S.A.W.). Ang buong katawan nya ay pawis na pawis at bakas na bakas sa kanyang leeg ang mga ugat nya na tila nahihirapan. At ang Rasulullah S.A.W. ay nagsabi, na ang kanyng boses ay namimilipit na tila nasasaktan "YA JIBRIL, KATOTOHANAN NA ANG PAGKUHA NG KALULUWA NG ISANG ALIPIN AY SOBRANG NAPAKASAKIT" Ipinikit ng Fatima R.A. ang kanyang mga mata at umupo sa tabi nya ang Ali R.A., yumuko eto at ang Jibril A.S. ay tumalikod. At ang Rasulullah S.A.W. ay nagtanong kay Jibril A.S. "YA JIBRIL, AKO BA AY NAKAKASUKLAM TIGNAN KAYA KA TUMALIKOD" at ang Jibril A.S. ay nagsabi "YA RASULULLAH, SINO BA ANG MAY NAIS NA MAKITA ANG HABIBULLAH NA NAHIHIRAPAN SA SAKARATAL MAUT" at ang Rasulullah S.A.W. ay napaungol sa sobrang sakit na naramdaman nya. At kanyang sinabi "YA ALLAH, ANG PAGKUHA NG KALULUWA (SAKARATAL MAUT) AY SOBRANG NAPAKAHIRAP, HINIHILING KO SAYO YA ALLAH NA IBIGAY MO NA SAAKIN ANG LAHAT NG SAKIT, AT WALA NG MATIRA SA MGA UMMAT KO" ang katawan ng Rasulullah S.A.W. ay naging malamig na, ang kanyang mga paa hanggag dibdib ay hindi na gumagalaw. Subalit ang kanyang labi ay tila may ibinubulong, kaya inilapit ng Ali R.A. ang tenga nya sa Rasulullah S.A.W. para marinig nya eto
'Uushiikum bis shalati, wa maa malakat aimanuku' PANGALAGAAN NINYO ANG INYONG SALAH, AT PANGALAGAAN NINYO ANG MGA MAHIHINA SAINYO
Sa labas ng kwarto, ang mga sahaba ay nag iyakan at nagyakapan. At ang Fatima R.A. ay nagtakip ng mukha sa pamamagitan ng kanyang dalawang palad, at ang Ali R.A. ay mas lalong inilapit nya ang kanyang tenga sa Rasulullah S.A.W. na ang mga labi neto ay nangingitim na
'Ummatii, ummatii, ummatii'
"ANG MGA UMMAT KO, ANG MGA UMMAT KO, ANG MGA UMMAT KO" hanggang sa tuluyan ng nahiwalay ang niyawa ng Rasulullah S.A.W. sa kanyang katawan.
Kaya ba nating magmahalan katulad ng pagmamahal ng RASULULLAH S.A.W.??
Allahumma salle 'ala Muhammad wa baarik wa salim 'alaihi.
Sobrang mahal na mahal tayo ng Rasulullah S.A.W.
PAALALA:
Pakipasa o pakishare eto sa lahat ng Muslim para malaman ng iba ang pagmamahal saatin ang ALLAH S.W.T. at ng kanyang Rasul ang NABI MOHAMMAD S.A.W. dahil katotohanan na ang pagmamahal na eto ay walang makakatumbas at walang hangganan.







0 comments:
Post a Comment