Assalamualaykum mga Anak,
Sa pamamagitan ng Blog na ito maiparating ko sa inyo ang pagmamahal kahit ako ay nasa ibang Bansa.Unang una sa lahat nagpapasalamat ako sa ALLAH na binigay sa inyo ang talino at mabuting mga anak.gayun pa man kahit may mga medal pa kayo huwag kayong makalimot na magpasalamat sa ALLAH at sa magulang niyo na naggagabay sa inyo araw araw. Alam niyo mga anak proud na proud ako sa inyo gustong gusto kung umakyat sa entablado para isabit ang mga medalya ninyo.Pasensya na mga anak at hindi ako nakarating.siguro alam niyo naman ang buhay ng isang OFW walang kasiguraduhan kung makakauwi o hindi dahil kami ay nangangamohan lamang.
Kahit malayo ako sa inyo ito lang ang maipayo ko at gusto kung isapuso niyo hanggang sa paglaki niyo. hindi ito mahirap bigkasin at napakadaling bigkasin ang mga salitang ito.
1. Bismillah " IN THE NAME OF GOD"
2. Alhamdulillah " ALL THE PRAISES AND THANKS BE TO ALLAH"
Laging niyong banggitin ang salitang BISMILLAH sa lahat ng bagay bago niyo umpisahan.
halimbawa, bago kayo kumain,bago mag wudu at ano mang gawain dapat umpisahan niyo sa salitang BISMILLAH.
Kung ano man ang dumating sa buhay natin ito man ay maganda,pagsubok,blessings,masama, o sa pag gisisng ninyo sa umaga lagi niyong banggitin ang salitang ALHAMDULILLAH. laging tandaan kahit ano man ang marating natin sa buhay huwag tayong makalimot magpasalamat sa ALLAH.
Maraming salamat sa inyo,
Nagmamahal,
Ang iyong Ama (OFW)






0 comments:
Post a Comment